Sabi ko noon di na ko masasaktan, sabi ko kakalimutan na kita, sabi ko di na kita mamahalin
pa, na kaya kong gawin lahat yon. Kaso, bigla mo na lang sinabi...mahal kita, mahal mo pa rin ba ako?
Sabi nila mahal mo din ako, kayahinanap kita, yun pala may hinahanap kang iba, nung
nagmakaawa ako, nagalit ka pa...haayyy, minsan na nga lang magmahal, pumapalpak pa...sorry ha, mahal kasi kita eh
isipin mo na lang, parehas tayong umiyak, parehas tayong nasaktan, at parehas tayong
nahirapan. pero bakit ganon? sa huli, sino lang yung natira? ako lang di ba?
Sabi nila "iwanan mo na". sabi ko "ayoko". sabi nila "okay pa?" sabi ko "ayos lang".
then tinanong nila ko isang araw "kaya mo pa ba?" napaluha ako habang sinasabi, "mahal ko eh, kaya kakayanin ko".
minahal kita noon pero pinabayaan mo. minahal kita ngayon pero binalewala mo, ngayon
minahal mo ako, pinakawalan ko, bakit ngayon mo pa ako minahal, ngayong may mahal na akong iba?
sabi nila kung mahal mo daw ang isang tao, pakawalan mo. sabi naman ng iba kung
mahal mo ang isang tao, mahalin mo ng lubos. pero di ba mas mahal mo ang isang tao kung...pasayahin mo siya sa piling ng taong
mahal niya?
masakit sa kalooban ang lokoihn ka, ang paasahin ka, ang pagtaksilan ka, pero mas
masakit sa kalooban ang...gamitin ka lang niya.
Sabi nila tanga ko daw kasi hinihintay pa rin kita, kasi okay lang sa akin kahit
nandiyan siya, kasi wala naman akong magagawa para malaman mo na mahal kita. paano pag naging tayo? eh di masaya....isang
manhid at isang tanga.
Alam mo miss na kita, kaso siya naman miss mo! lam mo mahal kita, kaso siya rin
mahal mo! Siya na lang lagi! Kahit nasasaktan ka niya okay lang kasi mahal mo siya! Ang tanga mo no, parang ako!
If I only have one hour left to live and I'm with you that day...I'll lay my head
unto your shoulders as I feel the breeze touch my skin and say " pasandal lang po muna ha? matagal po akong mawawala eh."
Kung mahal mo raw, ipaglaban mo. totoo ba yon? paano kung hindi ka niya mahal?
anong ipaglalaban mo? isang pag-ibig na ikaw lang ang nakakadama? mahirap yata yon ah!!! kaya mo ba? pero pag mahal mo talaga,
kakayanin mo di ba?
Sana pag nakita mo na yung taong mahal mo, huwag kang magpakatanga, wag kang magpakamartir,
wag kang magpakagago...ayokong makitang nahihirapan ka...tignan mo nangyari sa akin nung minahal kita....
Sabi nila, kapag mahal mo, lahat ibibigay mo...lahat gagawin mo...pero paano na
lang kung hilingin niya na maghiwalay kayo...ibibigay mo ba kahit mahal mo pa siya?
Paano mo malalaman kung mahal ka niya? Simple lang....tumalon ka tapos sigaw mong
mahal mo siya, pero kung di ka niya sasaluhin, wag kang mag-alala, ano ba'ng silbi ko? di ba tagasalo pag wala siya?
Sabi mo mahal mo ko...sabi mo di mo ko iiwan..sabi mo hihintayin mo ko. Saglit
lang akong nawala iba na kasama mo. andaya talaga...dahil ba sa mahal mo lang ako pag wala siya?
Ask ko si God, sabi ko "Bakit mo siya kinuha sa kin? binigay ko naman lahat?" Sabi
niya "Di ka kasi nagtira para sa'yo" sabi ko, "Ganito po kasi ako magmahal." sabi niya, "Kaya pala lahat kinalimutan mo pati
ako"
Sana akin ka para di ka iiyak. sana akin ka para di ka na masasaktan. sana akin
ka para di ka na aasa pa. ngunit ang talagang nais ko'y Sana ako siya na minahal mo ng sobra sobra.
Minsan ang layo ng tingin mo. Sino ba'ng hinahanap mo? yun tao bang magmamahal
sayo? yan ang hirap sayo eh! ang layo lagi ng tingin mo, ang tagal ko na dito...di ba pwedeng sa kin ka naman tumingin?
Iniwan kita di dahil ayoko na sayo. tinalikuran kita di dahil galit ako sayo, lumayo
ako di dahil ayaw na kitang makita, umalis lang ako kasi ayaw ko nang umiyak habang nakikita kang masaya...sa piling niya.
Muntik ko nang ipagtapat sayo ang nararamdaman ko nung magkasama tayo...muntik
ko na sabihin na mahal kita...pero nung sasabihin ko na...napatigil ako dahil bigla mong sinabi...."lam mo mahal ko pa siya".
Mahal kita, mahal mo siya. Siya naman di ka kayang mahalin katulad ng pagmamahal
ko sayo...tanga ka at siya naman, manhid....parang tayong dalawa...yun nga lang...ako yung tanga at ikaw naman yung manhid.
Ano ba 'to? ikaw na naman iniisip ko. Kaya ang hirap makatulog sa gabi eh, di kita
makalimutan. Pero nakatulog din ako, alam mo kung paano? Sinabi ko sa sarili ko "Tanga, may mahal na yon...tulog ka na."
Mahirap umasa sa wala. Mahirap magmahal sa taong may ibang mahal. Mahirap ipagtanggol
ang taong walang paki sa nararamdaman mo...at higit sa lahat, mahirap masaktan ng wala kang karapatan.
Sabi mo mahal mo ko, naniwala ako. Sabi mo hanggang katapusan tayo, umasa naman
ako. Sabi mo di mo ako sasaktan, at nagtiwala ako sayo. pero bakit ganito, iniwan mo ako at niloko. pero okay lang, may magagawa
pa ba ako? siguro lang talagang di ako para sayo.
Bakit ganito ang nararamdaman ko, sabi ko okay lang, kahit wala ka, kaya ko. sabi
ko tigilan mo na ko dahil kaya kong wala ka. sabi ko walang kwenta sa kin ang nangyari sa tin...pero bakit ang sakit sakit
ng nararamdaman ng puso kong nangungulila dahil sayo...bakit mahal pa rin kita?
I can't blame you if one day you'll walk out of my life but expect me to give up
everything just to keep you in sight but if i fall, give me a chance to say, "Gagawin ko lahat, wag ka lang umalis"
Lahat ng tao nagbabago, lahat ng tao nagmamahal ng iba, lahat tayo masasaktan...iiwanan
at kakalimutan...pero pag dumating sa kin ang araw na yon...pipilitin ko pa rin maalala yung araw na minahal mo ko.
Sabi mo di ka nanghihinayang na nawala siya sa'yo...o nagsisisi na iniwan ka niya,
sa totoo lang, hindi ako naniniwala, dahil nakatulog ka'ng lumuluha sa tabi ko, habang pabulong kong sinasabi, "ako kaya iiyakan
mo?"
when i first met you, i've said
to myself "la lang 'to". but as time pass by and we became very close and trusted each other. I said to myself "kaw ang barkadang
pangmatagalan".
This night, I wish you might take a look at the stars above you. One of them shall
slowly fade and still you might never know…”sa milyong bituing nakikita mo, ano nga naman sa’yo kung mawala
ako.
Bakit ganon di pala lahat ng akala mo totoo no? dahil akala ko di kita kailangan,
akala ko di kita mamahalin pero mali pala ako at nung inaakala kong minamahal mo din ako…ni minsan di pala nagkatotoo.
Lam mo ba na mahal pa rin kita? Lam mo ba na ngayon pinagdarasal kong tawagan mo
ko? Lam mo bang ang bigat ng pakiramdam ko kakaisip sayo? Syempre hindi di ba? Dhel wala ka namang ibang alam kundi saktan
ako.
Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Hindi ko alam kung ano ginawa mo. Hindi ko
alam kung bakit ikaw and pinili ko. Pero ito lang ang alam kong totoo, ikaw lang ang minahal ko ng ganito.
nalungkot ka, nag-joke ako. tumawa
ka, tumawa ko, may problema ka, joke ulit ako, tawa ka, tawa ko...nagalit ka joke pa rin ako, tawa ka, tawa ako. sinabi kong
mahal kita, kala mo joke, tumawa ka, naiyak ako.
sabi nila mahal daw kita kse pangalan
mo daw parati kong binabanggit, parati daw akong masaya pag andyan ka. sabi nila aminin ko na daw syo, pero sabi ko "saka
na lang, pag mahal na din nya ako".
nang iniwan kita, kala ko sasaya
ka...kala ko sa piling nya liligaya ka...kala mo ba ginawa ko 'to dahil gusto ko? di mo lang alam ginawa ko 'to dahil
mahal kita higit pa sa buhay ko.
mahal mo siya kaya siya lang nakikita
mo, di ko naman pwedeng pagpilitan sarili ko sa di ako mahal di ba? pero bakit ganon kahit mukha na kong tanga habang minamahal
mo sya, bakit mahal pa rin kita?
nabangga mo ko at nadapa ako, minahal
kita pero pinaluha mo ko, ginawa mo yon dahil mahal mo pa pala sya, sa pagmamadali mo, di mo man lang narinig ang sinabi ko,
" sandali lang, mahal pa kita".
nakita mo ko kausap ko sya, kala
mo sya na ang mahal ko. nakita mo ko hawak ko kamay nya, kala mo tinalikuran na kita, ang di mo alam nagpapaalam ako dahil
mas pinili kita kaysa sa kanya.
magmahal? yoko na yata. minsan na akong
nagmahal, at sa minsan na yon, niloko pa ako...minahal ko sya, pero bakit ganon? di ko matanggap, dalawa pala kaming mahal
nya. masakit, alam mo kung bakit? kasi mas mahal nya yung isa.
bakit kaya minsan minamahal natin
yung taong bawal mahalin? nakakainis di ba? bakit sila pa? ang dami naman dyan...bakit kaya...ikaw pa?
kahit gaano kasakit? ok lang mahal
kita eh. mas minahal kita nung sinaktan mo ko. ang labo ko rin no? martir ako eh...tanga pa. pero alam mo, marunong din akong
masaktan.
gago ko daw..pinakawalan kita...tanga
ko daw, pinabayaan kitang umalis...eh bakit ba ang tanga tanga nila? di ba nila maintindihan na di ko pwedeng ipagsiksikan
ang sarili ko sa taong di na ko mahal?
Sabi nila mahirap ka daw abutin,
paki ko, mahal kita! Sabi nila wag na daw kitang pagpantasyahan, paki ko, mahal
kita! Mahal na mahal kita, alam mo ba yon?
Paki mo, e may mahal ka namang iba!
Alam mo yung mahal mo, mahal ka din. Pero na sa'yo sya wala sa 'kin. Lahat
na ginawa ko para ako na lang ang mahalin…pero balewala kasi ikaw pa din. Hindi
ko alam kung ano na ang dapat gawin…kasi yung mahal ko, mahal mo, at mahal ka din…
Bakit ganon? Kahit anong sakit naman tiniis ko, kahit anong hirap tinago ko, kahit sinong masaktan binalewala ko, kahit
sobra sobra pagmamahal ko sayo, bakit ganon? Di mo pa rin makita?
Bakit kung kailan natuto akong maghintay
hindi ka dumating? Bakit kung kailan natuto akong magtiis doon ka sumuko? Bakit kung kailan natutunan kitang mahalin doon ka lumayo? Bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba?
Alam mo, gago sya. Di nya ko naiintindihan, di nya ko mahal at di nya ko pinahalagahan.
Pero mas gago ako. Alam mo kung bakit?
Kasi minahal ko ang isang gago.
Matagal na kitang mahal. Alam yun ng iba. Ngunit bakit ikaw, hanggang ngayon hindi
pa. Nakita kitang masaya at nakatawa, lalapitan na sana kita. Kaya lang, kasama mo sya.
Malungkot ka na naman? Bakit? Kasi walang may mahal sayo? Hay naku! Tampo ko sayo!
Lagi mo na lang ako kinakalimutan. Ilang beses ko ba sasabihin? Ako, mahal kita.
Pag sinabi kong mahal kita maniniwala
ka kaya? Siguro hindi kasi di mo naman ako siniseryoso. Kung maniwala ka naman siguro di mo na papansinin kasi di mo naman ako mahal at iba ang mahal mo.
Minsan natuto akong magmahal, minsan natuto
akong masaktan, minsan natuto akong umasa. Kasi minsan, minahal kita ng sobra-sobra.
Masakit, 'di dahil 'di mo ko mahal ngunit
dahil 'di mo ko sinubukang mahalin. Masakit, 'di dahil mahal mo siya kundi dahil
alam kong kahit tayong dalawa na lang ang tao sa mundo, kaibigan lang talaga ako sayo.
Sabi nila gago ako, sabi nila bobo
ako, sabi nila ang tanga ko. Lahat na sinabi nila, bakit mahal pa rin daw kita?
Sabi ko, akala ko may pag-asa e wala pala!
Ganda ng ngiti ah! Ah, dahil nga pala sa kanya. Bakit? Mahal ka ba non? Totoo?
Kasi kung hindi, nandito lang ako para iyakan mo o di kaya mahalin. Kahit
minsan lang.
Alam mo, I love you so much today. Tomorrow, I'm sure I love you more. Until
the rest of my life…ikaw? Kailan mo kaya ako makukuhang mahalin? Kapag di na kita mahal?
Bakit bigla kita na-miss? Ewan ko, di ko alam, wala akong clue. Lagi namang ganito. Di napipigilan, di naiiwasan, pero kahit ano
pa ang sabihin ko, walang silbi, may nami-miss ka rin e…di nga lang ako.
Heto ako, malapit na sa taas. Tapos na sa pag-iyak, tapos na sa lahat. Bakit ngayon, ngayong
nasa may dulo na ako, saka ka pa dumating? Mahuhulog na naman ba ako na walang
sasalo sa akin?
masakit maging kaibigan ng taong
mahal mo. hindi mo alam kung saan ka lulugar di ka dapat umasa o di kaya mainis sa kanya....bakit... anong karapatan mo? KAIBIGAN
ka lang di ba?
sabi ko noon, buti nalang di ko sinabi
sa iyo na mahal din kita at least lumayo ka man, i still have my pride with me! pero mali pala ako, sana pala inamin ko na
sayo ang tunay kong nararamdaman. baka sakali hanggang ngayon mahal mo pa ako at nandito ka sa piling ko!
sabi ko suko na ko......sabi ko
d na kita mahal.... sabi ko malilimutan din kita....sabi ko di na kita kailangan. ...sabi ko masaya na ako.....sabi
ko yun...pero di ko kaya e mahal talaga kita....
god Created You to be my "LOVE".
He pick you up among rest... Because he knows. I love You Best, See.totoo yan di ako sinungaling.. Ikaw lang eh.. Iba love
mo eh.Sana wag kang mauntog..
Wag kang mangako. Huwag mo akong pangakuan
ng kahit ano. Hihintayin kita...at kung di ka na makakabalik dahil di na siya aalis...Lagi mo lang tatandaan na mahal kita...mahal
na mahal.
Inisip ko andaya mo, kasi nangako
ka di mo ako iiwan, pero minsan iniisip ko kung ano mas madaya… Yung iwan mo ako? O yung pinilit kitang mangako?
Nagmahal ako sabi nila tama na!
Naghanap ako ng iba sabi nila parehas lang sila! Tinuring kitang espesyal sabi nila tigas daw ng ulo ko! Sabi ko di bale MAHAL
KITA!
alam mo noong nagkita tayo at nakilala
kita, umisip ako ng mga paraan kung pano mapapalapit sa'yo. Hanggang magsimula na akong tumawag at hanggang naging TAYO! Noong
naging tayo, natakot akong baka magbago ka. Ngayong sobrang mahal kita... mahal na mahal... natatakot naman akong mawala ka.
minsan na ko nagmahal, minsan na
din nasaktan, minsan nang naging tanga, dahil minsan minahal kita.. papayagan ko pa ba maulit? bakit hindi? e minsan lang
ako naging masaya, nang mahalin ka..
pag wala na ko, siguro di yun kawalan
sayo, di yun makakaapekto sayo. pero gusto ko lang malaman mo... lungkot ako.. bakit?kse wala ka ginawa, hinayaan mo lang
ako mawala..
nasaktan ka ba nung malaman mong
may mahal siyang iba? sana nga andun ako. nabulong ko sana. "yan din yun naramdaman ko.. nung sinabi mo na kayo na pla.."
takot ako na mawala ka.. di ko alam
kung bakit.. di sa hindi ako mabubuhay ng wala ka.. kundi,takot ako dumating ang araw.. na mahal pa rin kta kahit wala ka
na..
pumayag akong mawala ka dahil dun ka masaya...
pumayag akong masaktan dahil dun ka masaya... pumayag akong umiyak dahil dun ka masaya... napilitan akong pumayag kse alam
ko sa iba ka sasaya..
ng di ko aminin na mahal kita akala
ko naisahan kita. pero mali pala ako, dahil ng magpasya kang layuan ako, dala dala mo ang puso ko!!
di naman ako umaasang mahalin mo
ako,okey lang naman sa akin kung ayaw mo talaga,pero sana wag mo naman ipamukha sa akin kung gaano mo sya kamahal kasi ang
sakit e... ang sakit - sakit... :(
Sabi mo, mahal mo ko. Sabi mo rin
seryoso ka. Nag-promise ka pa nga di ba? O, yun naman pala eh. Pero bakit hindi tayo? Ah, siguro, kasi nandyan siya? At mahal
mo pa rin siya, di ba?
miss ko na mga oras na magkasama
tayo, yung mga kwentuhan natin at kulitan... gusto ulit kitang makasama, paano na yan?, kailangan pa ba kitang ipagpaalam
sa kanya kahit na dati'y akin ka?!?!
minsan badtrip magmahal... bigay
ka ng bigay pero kulang pa din...magpapa katanga ka, iiyak... ikaw ang iiwas pero kaw din msasaktan, hintay ka ng hintay pero
kaw din iiwan...:(
MINAHAL? sino ikaw? sino nagmahal?
ako?! pwede ba! ang sakit ng ginawa mo tapos iisipin mo na minahal kita? kahit kailan di kita minahal,tanga lang talaga ako,kasi
hanggang ngayon mahal kita
nanaginip ako..namatay daw tayo..sabi
ng Diyos isa lang ang makakapunta sa langit, isa lang sa impyerno, pinili ko mapunta sa impyerno kasi nung buhay tayo ginawa
mo ng langit ang buhay ko!!!!
Mahaba na pinagsamahan natin dahil dun
napamahal ka na sa 'kin...matagal na y un! kya di ko na natago ang aking nadarama....nakita kita malungkot,nag-iisa,,,sasabihin
ko na sana e....kaya lang sabi mo "lam mo mis ko na sya"......
ilang beses ko bang sasabhin sayo..na
kahit ano'ng gawin mo, di ka mamahalin nyan..dahil meron siyang mahal na iba..iiyakan mo lang siya at masasaktan ka lang..bakit
ko alam? siyempre...minahal kita e
Sa buhay di mahalaga kung mahal
ka ng mahal mo...basta importante mahal mo siya at masaya ka kapag nakikita mo siya..! kahit na may kasama sya na di ikaw
kundi IBA!
I really want to be close to you..close
enough that in time, i'll just hold your hand and without saying anything, you know im saying something like this; "dito ka
lang, hindi ko kayang mawala ka."
kunwari, masaya ako...kunwari, ok
ako...kunwari, wala akong problema...kunwari, nasa langit ako... ok lng ba kung isipin ko'ng kunwari mahal mo 'ko? kunwari
lang naman eh.:)
Once nagmahal ako. Minahal ko siya ng
sobra. Halos ibigay ko na ang lahat para sa kanya. Nagpakatanga ako na parang bale wala. Tinutulungan ko siya na magcourt
pero nasasaktan ako. Mahal ko siya sobra. Ako ang tulay everytime na nanliligaw siya.
bakit ganon? noon sabi mo maghintay
ako kasi meron pang 'kayo'...ako naman naghintay nga..nung wala na kayo ngumiti ka at akaLa ko meron ng 'tayo',yun pala may
iba at bagong 'kayo' na... :c
magmahal?! oo marunong ako nun!
yun bang tipong tanga ka na! sige pa rin kasi... mahal mo siyang talaga! pero sa bandang huli itatanong mo... tanga ba talaga
ako? o mahal lang kita?!
minsan natuto akong magmahal...
minsan naranasan kong masaktan...minsan natuto akong umasa...kasi minsan... minahal kita ng sobra-sobra...
kailan kaya darating ulit yunG arAw
na tayo'y magkasama muli? na tayo'y magiging masaya at mamahalin pa rin ang isa't isa? maghihintay pa rin ako...Pero kelan
nga kaya?....aH siguro pag nakalimutan mo na siya
hay naku!!nakakainis naman o why is it
kasi that you came into my life and then leave me without any reason?!? why is it that you let me love you kahit naman may
mahal ka ng iba?! bakit kasi ayaw mo kong mahalin,bakit may mahal ka na bang iba?
Naging tayo noong wala na kayo..
Sabi mo minahal mo siya pero mas minahal mo ko... Masaya pa nga tayo di ba!!! Ngayon bumabalik siya iniwan mo ko... Ngayon
pa! Na di ko na kayang mawala ka...
Sabi mo Mahal mo 'ko, Sabi mo di
mo kaya 'pag wala ako, Sabi mo tayo pa nga sa huli di ba!!!! Pero bakit ganon.. ikaw unang bumitaw, unang sumuko, Kala ko
matatag ka.... Nagkamali ako, Di pla...
ganyan ka na ngayon!di mo na inisip
na may masasaktan sa ginawa mo! inisip mo lang yung sarili mo! bakit ba ganyan ka? talaga ba'ng totoo na manhid ka lang o
di mo nga talaga ako mahal?
Naisip ko ang daya talaga.. nandito
'ko umiiyak habang siya'y masaya, may ibang kasama.. suwerte ng taong 'to iniiyakan ko.. pero pinagtataka ko, kahit masakit,narito
pa rin ako-naghihintay sayo!
nung makita kita,sabi ko ikaw na
nga.nung una kitang makausap,sabi ko ikaw nga.nung maging magkaibigan tayo,sabi ko sana ikaw na nga,pero bakit nang makita
mo siya sinabi mo sa 'kin na "SIYA NA NGA?":(
minsan, kapag mahal mo, kahit magkamali,
tahimik ka lang - kahit sobrang sakit na.. kailan ko kya masasabi sayo na mahal kita at sinaktan mo ako? :(
paano ko sasabihin na mahal kita,
kung pag-aari ka na ng iba? masakit man pero kailangan kong tiisin na kahit mahal kita, di na puwede kasi.. kanya ka na! :(
masakit man isipin, alam kong may
iba ka na. ayoko man tanggapin, alam kong mahal mo talaga siya.. kaya ngayon nandito ako nagiisip, minsan umiiyak.. siguro
dahil ikaw pa rin talaga! :(
bakit kita biglang minahal? ewan
ko..di ko alam..wala akong clue..lagi naman ganito eh. di napipigilan, di naiiwasan pero kahit ano pa ang sabihin ko, walang
silbi..may minamahal ka rin eh..di nga lang ako...

|